"13th Month Tips: Stylish but Savvy!"
Blog Written by: Global CreditPros
What is a “Capsule Wardrobe” and how will it improve your style and savings
Naranasan mo na rin ba yung wala kang mapiling damit even if overflowing na ang closet mo? Sa dinamidami mong binili sa mall or sa mga ecommerce sites, you still find it hard to put together an outfit. Maybe it’s time to downsize and go minimal when it comes to you fashion purchases.
Capsule Wardrobe… Ano Yun?
Ayon sa Sustainably Chic, ang “capsule wardrobe” refers to a “limited selection of interchangeable clothing pieces that complement each other”. Ibig sabihin, kailangan mo lang ng maliit na collection ng interchangeable pieces of clothing (around 20 to 40 pieces) that will go together and give you a multitude of wearable combinations. Ang focus ng pagkakaroon ng capsule wardrobe ay “quality over quantity”, kung saan priority ang pagpili ng versatile at staple clothing. Highly recommended sa ganitong approach ang pagpili ng mga neutral colors at classic silhouettes.
How Does it Improve Your Style?
- Effortless: Hindi ka na mahihirapan maghanap ng angkop na clothing combination para sa pang-araw-araw. Ang pagkakaroon ng capsule wardrobe limits you to a number of classic clothing pieces na madaling ibagay sa isa’t-isa. Tinatanggal nito ang guesswork when it comes to choosing your clothes kasi alam mo na babagay lahat sayo.
- Focused & Sharpened: Dahil limited ang iyong options when it comes to the number or amount of clothing pieces that you have, you are forced to discover new ways to wear them. It hones your fashion sense kasi magiging creative ka sa pag-combine at pag-pair ng mga damit mo para sa pang-araw-araw.
- Confidence Booster: Magkakaroon ka ng self-assurance sa iyong itsura at pagdadala ng damit na iyong suot dahil self-curated ito. Alam mo na bagay sayo ang mga damit regardless kung anong combination ang isuot mo for that day. It also allows your personality to shine through.
How Does it Save You Money?
- No More Impulse Buying: Tandaan na ang idea behind having a capsule wardrobe ay ang pag-limit sa dami ng damit na iyong bibilhin. It basically discourages mindless shopping dahil piling-pili ang kulay, itsura, at istilo ng mga damit. Sa makatuwid, ang mga bibilhin mo lang ay mga clothing or accessory pieces na pupunan ang mga puwang sa iyong existing na collection.
- Cost-Per-Wear: Taking this approach also allows you to maximize yung wearability ng mga pieces na binili mo. In other words, makukuha mo ang biggest value out of your clothing budget. Tandaan na susi ang pagpili ng high quality pieces (mapa-damit or accessory man ito) na tatagal ng maraming taon at hindi mawawala sa style.
- Going Green: Dahil hindi ka na alipin sa mindless shopping, hindi ka na magkakaroon ng mga damit na hindi naisusuot. Having a capsule wardrobe encourages you to be mindful of your consumption and it ultimately reduces textile waste.
How To Build Your Capsule Wardrobe?
Step 1: Clean Slate! Mag-declutter ka ng iyong closet at piliin ang mga damit na hindi mo na kailangan. Maaari mong ibenta or i-donate ang mga damit na hindi mo na isinusuot.
Step 2: Choose Your Essentials! Isipin mo ang iyong lifestyle tapos list down the clothing items na iyong kakailanganin at madalas na isusuot. Key words: classic and timeless. Ang mga halimbawa nito ay ang classic white tees, casual pair of denims, comfortable knit sweater, black dress, atbp.
Step 3: Quality Is Priority! Katulad ng nabanggit kanina, importante na piliin ang well-made, high-quality clothing pieces na neutral ang kulay. Mag-invest ka sa mga damit na pwedeng gamitin sa mga iba’t-ibang functions or occassions (dressed up or dressed down).
Step 4: Accessorize Wisely! Ang pagpili ng mga kalidad na accessories katulad ng alahas at sapatos will help elevate your style and capture your personality.
Ang pagkakaroon ng capsule wardrobe is like having a gateway to a more intentional and curated way of dressing. It streamlines not only the contents of your closet pero pati ang iyong fashion spending. It helps empower you by giving you the confidence in how you look through expressing your personal style. Hindi mo kailangan ng maraming damit at accessories para masabing “stylish” ka. The capsule concept allows you to maximize the value of each clothing piece that you own and encourages you to be extremely creative when it comes to putting an outfit together.
Go capsule now and unlock your inner fashionista without breaking the bank!
Share this article!