From Impulsive to Intentional: How Better Buying Habits Lead to Brighter Saving Habits
Blog Written by: Global CreditPros
Have you ever found yourself caught off guard by the amount of money you spent after going on a shopping spree? Balikan mo yung mga instances kung saan nagulat ka sa natitirang pera sa account mo dahil hindi mo ineexpect na ganon kalaki na ang nagagastos mo. Wag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa.
In a study done by Rodrigues, Lopes, & Varela (2021), they stated that, “Consumer behavior refers to the activities directly involved in obtaining products/services, so it includes the decision-making processes that precede and succeed these actions.” Ang ibig sabihin nito, lahat ng desisyon na ginagawa natin bago at pagkatapos nating gumastos ay parte ng ating cosumer behavior. Kung hindi ka nag-plano o nag-budget ng tama, malaki rin ang possibility na maging negative ang epekto nito sa iyong financial standing if you don’t make the necessary changes.
There is light at the end of the tunnel though. If matuto kang mag-cultivate ng intentional buying habits, you will start saving money and you will learn to determine the difference between “needs” and “wants”.
Say No to Impulse Buying: Curbing Impulsive Purchasing
- Stop the Money Drain
- Lahat ng unnecessary purchases na ginagawa natin, mapa-maliit or mapa-malaki man ito, ay pa-unti-unting bumabawas sa ating potential savings. By avoiding impulsive purchases, mas malaking porsiyento ng iyong pera ang pwede mong i-allocate para sa iyong financial goals.
- Break the Cycle
- Impulse buying creates a negative cycle. Impulsive purchases lead to guilt and regret which might lead you to making more purchases to chase a temporary high. On the other hand, intentional buying/purchasing leads you to make conscious and deliberate choices. Ano ba ang ibig sabihin nito? Kapag nag-plano at nag-budget alinsunod sa iyong pangangailangan (needs), magkakaroon ka ng sense of control at accomplishment dahil napupunan mo ang mga pangunahin at importanteng necessities. Halimbawa, inuuna mo ang pagbabayad ng mga utilities at bills kada buwan kesa sa pag-sho-shopping sa mga ecommerce platforms.
- Shift Your Focus
- Alamin mo ang difference between “needs” at “wants”. Shifting your perspective by prioritizing your needs will help you in becoming a mindful spender. Tanunging mo ang sarili kung kailangan mo ba talaga yung bagong “budol item” na pinopromote ng mga paborito mong influencers. Kailangan mo ba talaga (need) o baka nadadala ka lang ng trend (want). Magandang habit ang pagtatanong sa sarili bago bumili ng bagay para siguradong hindi mo ginagastos ang pera mo ng basta-basta lang.
Baka ang tanong mo naman ngayon ay paano mag-break free sa habit ng impulse buying at gawing itong intentional buying. Here are some tips that can help you:
- Plan Your Purchases
- The key is BUDGETING. Gumawa ka ng budget; kadalasan, ito ay ginagawa kada buwan (monthly basis) at naka-alin-sunod sa lingo/araw ng sweldo. Kapag nakapag-budget ka na, gumawa ka ng (shopping) list ng iyong mga kailangan and stick to that list religiously. Huwag ka ring maghanap ng posibleng pagkakagastusan o ang tinatawag na browsing or window shopping. Mainam na tandaan na dapat may purpose ang iyong pag-labas at pagikot sa mga malls at retail stores.
- Wait and Think About It
- Have you ever heard of the phrase “sleep on it”? It means delaying making a decision on something until the following day. Gawin mong part ng decision-making process ito para magkaroon ka ng oras para mag-decide kung kailangan mo bang bilhin ang isang bagay o hindi. Kadalasan, naiiba ang iyong persperctive at posibleng makaisip ka pa ng alternatibo. Halimbawa, gusto mong bumili ng bagong branded bag kahit meron ka ng bag na pwedeng gamitin sa pang-araw-araw. Bigyan mo ang sarili mo ng oras by “sleeping on it” para mabigyan mo ng consideration ang magiging financial consequence nito para sayo. Imbis na bilhin mo agad ang branded bag, maaaring maisip mo na bumili na lang ng mas mura at praktikal na bag o di-kaya’y pa-unti-unting mong pag-iipunan ang halaga.
- Beware of Marketing Tactics
- Mahilig ka ba sa mga sales, discounts, promos, at limited-time offers? Mainam na tandaan na ito ay mga marketing strategies para mag-impulse buying ang mga tao. Kadalasan, ang mag tactics na ito ay ginagawa para mabenta ang mga old stock or last season items ng mga tindahan. Hindi naman sinasabing huwag kang bumili kapag may sale/discount/promo/offer. Maging listo at smart ka lang sa mga gagawin mong purchases kapag meron ganitong mga events. Kapag meron kang nakitang gamit or bagay na palagi mong ginagamit, pwede mo i-maximize ang pera mo kung bibili ka habang naka-sale ang mga ito. Again, this goes back to identifying your needs and wants.
- Look For Alternatives
- Learn to look for alternatives with the same quality as the original item you want. Kaya nga maraming brands ng mga bagay-bagay; ito ay para bigyan ang consumers ng power para makapili ng mabuti. Maaaring maganda ang kalidad ng Brand A ngunit maaari din naman na ang Brand B or Brand C na mas mura ay mapupunan ang mga pangangailangan mo. Pwede din naman na imbis na bilhin mo ang isang bagay, you may be able to borrow it instead. O baka may mabibilhan ka ng mga pre-loved items na hinahanap mo.
Hindi kailangan mag-paliguy-ligoy; matagal at kailangan ng consistency para ma-develop ang tinatawag nating intentional buying habits. Pero, sabi nga nila, practice makes perfect. Kapag ginamit mo ang mga strategies na nabanggit, magsisimula ka nang makapag-ipon ng pera at magkakaroon ka ng sense of control sa iyong finances. Lead yourself to become an empowered consumer so you can achieve your savings goals and have a brighter financial future. Take control of your impulse to buy unnecessarily and maximize the power of your Peso!
Share this article!